“MA’AM, SINO PO ’yong lalakeng bigla na lang umeksena?” “I don’t know. Baka baliw.” Padarag kong binuklat ang page ng script habang nakakunot ang noo ko. Aist. “General Atreo.” Tumingin ako kay Aallotar nang ibulong niya iyon kay Danie. Napatikom ang bibig niya at hinarang niya sa mukha niya si Lora nang mapansin na tiningnan ko siya. Napailing ako at muling binaling sa script ang mata ko. “Gracy, take ulit tayo.” Napahinga ako nang malalim at tumayo na bago ko inabot kay Danie ang script. “’Wag na.” Pinigil ko ang makeup artist ko nang ambang i-re-retouch muli ako nito. Tumingin ako kay Danie at sinenyasan ko siya na bantayan si Aallotar na kinatango nito. Naglakad na ako patungo kay Direk Hans na may sinasabi kay Claire at Alexander. “Diyos ko. Kitang-kita ang pasa mo, Alexa

